ENROLLMENT SA URDANETA CITY UNIVERSITY, MAS PINAHABA
- Rea Mae F. Andaya
- Sep 17, 2016
- 1 min read
Tumagal nang mahigit isang buwan ang enrollment sa Urdaneta City University
(UCU).


Nagsimula ito noong July 11, 2016 at hanggang ngayon patuloy parin ang paghabol ng mga estudyante sa huling linggo ng enrollment base na rin sa nasabi ni Juliet Tabuac, University Registrar na binibigyan parin ng konsiderasyon ang mga late enrollees at wala silang sinisingil na penalty.
At para hindi na mahirapan ang mga estudyante, ginawang one stop shop enrollment ang proseso sa University Gymnasium kasama na rito ang Registrar, Cashier, Encoding area pati na ang I.D section na mas napadali sa mga estudyante maging sa mga transferees at shifters ng nasabing Unibersidad.
Sa ganitong pamamaraan, naging maayos at mabilisan ang pag enroll ng mga estudyante dahil sa organisadong paghahanda na hindi nakaapekto sa kabila ng sunod – sunod na pagbuhos ng ulan.
Comentários